^

PM Sports

PH bets nag-uwi ng 5 ginto sa Asian Kickboxing

Chris Co - Pang-masa
PH bets nag-uwi ng 5 ginto sa Asian Kickboxing
Gina Araos

MANILA, Philippines — Engrande ang pagtatapos ng kampanya ng Pinoy kickboxers matapos umani ng kabuuang limang ginto, isang pilak at 10 tansong medalya sa 2024 Asian Kickboxing Championships na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa huling araw ng kumpetisyon, nakasiguro pa si Gina Araos ng isang ginto matapos pagreynahan ang 56kgs Lowkick Female division para matagumpay na wakasan ang ratsada nito sa Asian meet.

Sa kabuuan, may limang ginto, isang pilak at 10 tansong medalya ang Pinoy squad sa torneo.

Pinakamaningning si Jovan Medallo na may dalawang ginto — sa Musical Forms with Weapon at sa Musical Form Open Hand events — at isang tanso sa Creative Form with Weapon event.

May gintong medalya rin sina Paris Olympics veteran Hergie Bacyadan at Carlo Von Buminaang sa kani-kanyang events.

Nagreyna si Bacyadan sa women’s K1 -70 kilogram division habang kumana ng ginto si Bumi­naang sa men’s 67kgs lowkick category.

Galing naman ang nag-iisang pilak ay Honorio Banario sa 75kgs K1 Male event.

Nakalikom naman ng tatlong tanso si Janah Jade Lavador sa Musical form w/ weapon, Musical form w/out weapon at Creative form w/ weapon.

Nagdagdag ng tig-iisang tanso sina Renalyn Dacquel(48kgs Lowkick Female), Claudine Veloso (52kgs K1 Female), Whinny Bayawon (57kgs Kicklight Male), Lance Airon Villamer (63kgs Point Fighting Male), Daryl Chulipas (51kgs Full Contact Male) at Feex Dave Cantores(63.5kgs Full Contact Male).

GINA ARAOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with