Lisensya ni Amores babawiin ng GAB
MANILA, Philippines — Posibleng kanselahin ng Games and Amusement Board (GAB) ang lisensya ni PBA player John Amores dahil sa kinasangkutan nitong shooting incident.
Ngunit ayon kay GAB Chairperson Atty. Francisco Rivera, hihintayin muna nila ang isinasagawang imbestigasyon ng PBA sa NorthPort guard.
“The investigation could potentially involve his expulsion from the league,” wika ni Rivera kahapon sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance ukol sa budget ng GAB.
“Once that’s done, the Games and Amusement Board could, as a result, cancel his registration with us.”
Pinagbabaril ni Amores ang nakaaway sa isang pickup game sa Lumban, Laguna.
Kinabusakan ay sumuko siya kasama ang kapatid at kinasuhan ng attempted homicide.
Kaagad ding nakalaya ang mag-utol na Amores matapos magpiyansa.
- Latest