^

PM Sports

UST, FEU target ang V-League Challenge crown

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng Univer­sity of Santo Tomas at Far Eastern University ang titulo sa women’s at men’s divisions ng 2024 V-League Collegiate Chal­lenge.

Aarangkada nga­yong araw ang Game 2 ng best-of-three finals sa Philsports Arena sa Pasig City.

Parehong hawak ng Golden Tigresses at Tamaraws ang 1-0 bentahe sa ka­­ni-kanilang serye.

Nahablot ng Golden Tigresses ang Game 1 nang patumbahin nito ang La­dy Tamaraws sa pamamagitan ng 25-22, 25-18, 25-14 panalo.

Muling magtutuos ang UST at FEU sa alas-5 ng ha­pon.

Pakay ng UST na walisin ang torneo at masungkit ang kanilang unang titulo sa liga sapul noong 2010.

Babanderahan ang UST nina Detdet Pepito at Jonna Perdido kasama sina power-hitting wing spi­kers Ange Poyos at Re­gine Jurado.

“Talagang ineensayo namin ‘yang ganyang situation, ‘yang skills na ‘yan. Doon kami malakas, sa gano’ng part ng defense pattern namin. Kaya nako-compensate namin sa atake kasi hindi naman ka­mi gan’ong katangkaraan. Pero marunong kaming pumalo,” ani UST head coach Kungfu Reyes.

Sa kabilang banda, ha­ngad naman ng FEU na makuha ang kanilang ka­una-unahang V-League title sa men’s division.

Mainit din ang simula ng Tamaraws na nagtala ng 25-22, 25-20, 18-25, 25-19 panalo sa De La Salle University sa series opener noong Linggo.

Samantala, nakatakda naman ang engkuwentro ng FEU at UST sa alas-2 ng hapon.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with