^

PM Sports

Biado hari sa Vietnam 9-ball event

Chris Co - Pang-masa
Biado hari sa Vietnam 9-ball event
Carlo Biado

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Pinoy cue masters sa international competitions kung saan nagdagdag si world champion Carlo Biado ng panibagong titulo para sa Pilipinas.

Ito ay matapos pagha­rian ni Biado ang Ho Chi Minh City Open na gina-nap sa Ho Xuan Huong Gymnasium sa Vietnam.

Kinailangan ni Biado na ilatag ang buong pu­wersa nito sa buong panahon ng laban upang pigilan ang pagtatangka ni Mario He ng Austria at maitarak ang pukpukang 13-8 panalo sa finals.

Naibulsa ni Biado ang tumataginting na $35,000 premyo o mahigit P1.9 milyon habang nagkasya naman si He sa $13,000 runner-up purse (o mahigit P700,000).

Aminado si Biado na hindi naging madali ang daang tinahak nito partikular na sa finals dahil hindi birong kalaban si He na isa sa mahuhusay na cue masters sa kanyang henerasyon.

“Now I’m feeling exhausted but I’m very happy I won in the finals. Thanks to Mario He for a good game. He’s one of the best players in the world,” ani Biado.

Kabilang sa mga tinalo ni Biado si Wang Hu-Hsian ng Chinese-Taipei sa iskor na 11-7 sa Round of 32.

Pinataob din ni Biado ang mga kababayan nitong sina Valeriano Pajuay sa Round of 16 at Anton Raga sa quarterfinals.

Dumaan muna sa butas ng karayom si Biado sa semis kung saan naitakas nito ang pahirapang 11-10 panalo laban kay Sanjin Pehlivanovic ng Bosnia para makapasok sa finals.

Sa kasalukuyan, may tatlong major title na sa taong ito si Biado.

Una na nitong nasungkit ang korona sa World Nine-Ball Tour sa Taipei, Taiwan noong Enero bago masikwat ang kampeonato sa World 10-Ball Championship sa Las Vegas, Nevada noong Marso. 

 

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with