Cone saludo sa Gin Kings fans
MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa matinding suportang nakukuha ng kanilang tropa sa mga fans.
Abot-kamay na ng Gin Kings ang tiket upang umentra sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup.
Matatandaang lumasap ang Ginebra ng 49 puntos na pagkatalo sa San Migue Beer kamakailan.
Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang mga fans na todo suporta pa rin sa kanilang mga laban.
“It’s great, and I’m glad we performed this way in front of the fans on a Saturday night,” ani Cone.
Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin nito ang makapigil-hiningang 104-103 panalo para umangat sa 2-0 sa best-of-five quarterfinal series.
Dahil sa fans, mas naging determinado si Justin Brownlee na siyang bumanat ng game-winning three-point shot para makuha ng Gin Kings ang panalo.
“The last time we played on Sunday night, when we played San Miguel, had a nice crowd, and we brought them down, (so) it was great to hung around and have a good game with the fans. They were the sixth man,” ani Cone.
Sinabi ni Cone na nakakuha ng inspirasyon ang Gin Kings sa malalakas na hiyawan ng mga fans.
- Latest