^

PM Sports

Mapua, Baste unahan sa pagbangon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Mapua University na makabangon sa kabiguan, habang ang apat na dikit na kamalasan ang tatapusin ng San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Cardinals ang Stags ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang salpukan ng St. Benilde Blazers at Lyceum Pirates sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Solo pa rin ng St. Benilde ang liderato tangay ang 4-1 record kasunod ang Perpetual Help (4-2), Letran (4-2), nagdedepensang San Beda (3-2), Lyceum (3-2), Mapua (3-2), Emilio Aguinaldo College (2-4), San Sebastian (2-4), Jose Rizal (2-4) at Arellano (1-5).

Nagmula ang Cardinals sa 81-96 kabiguan sa Pirates habang bumagsak ang Stags sa Altas, 52-60, sa kanilang mga huling laro.

Ang nasabing kabiguan sa Lyceum ang pumigil sa three-game winning streak ng Mapua na muling aasa kina Clint Escamis, Chris Hubilla at Jeco Bancale.

Sa ikalawang laro, itutuloy ng Pirates ang kanilang tatlong sunod na arangkada sa pagsagupa sa Blazers na nalasap ang una nilang pagkatalo.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with