^

PM Sports

Midnight Bell nominado sa PCSO ‘2YO Maiden Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Atat ng masilayan ng mga panatiko ng Midnight Bell ang pagsalang nito sa 2024 PHILRACOM-PCSO “2-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Setyembre 29 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Naghayag ng paglahok ang Midnight Bell sa karerang nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim nakabayong tatawid sa meta sa distansyang 1,200 meter race.

Nominado rin ang pito pang batang kabayo na Be Kind, Brewing Point, Copperfield, La Luna, Marvin’s Pride, Panata at Sunset Beauty, magtatagisan sila ng bilis para sa P900,000 premyo sa mananalo.

Gagabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA)-J­ockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Midnight Bell, posibleng magbigay ng magandang laban sa kanila ang kalahok na Brewing Point at Sunset Beauty.

Magbubulsa ang pa­nga­lawa ng P300,000, mapupunta sa tersero ang P150,000 habang P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth hanggang sixth pla­cers, ayon sa pagkakasunod.

Masisikwat naman ng breeder ng mananalong kabayo ang P75,000 habang P45,000 at P30,000 ang second at third sa event.

Ang nasabing karera ay inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Samantala, bukod sa nabanggit na karera tiyak na may balanseng regular races ang pasisibatin ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa mismong araw ng karera kaya sulit ang paglilibang ng mga karerista.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with