Pirates target ang ika-2 sunod
MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Lyceum of the Philippines University ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa kulelat na Arellano University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
Maghaharap ang Pirates at Chiefs ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang bakbakan ng Letran Knights at Mapua Cardinals sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Bumabandera ang St. Benilde hawak ang 4-0 record kasunod ang Letran (2-1), Mapua (2-1), nagdedepensang San Beda (2-2), Perpetual (2-2), San Sebastian (2-2), Emilio Aguinaldo College (2-2), Lyceum (1-2), Jose Rizal (1-2) at Arellano (0-3).
Nagmula ang Pirates sa 97-92 panalo sa Heavy Bombers noong Linggo kung saan bumanat si John Barba ng 28 points, 5 rebounds at 3 assists.
“Masaya ako sa panalo pero kailangan pa naming mag-trabaho every game, mas dodoblehin pa namin ‘yung effort.” ani Barba.
Nakalasap naman ang Chiefs ng 79-86 kabiguan sa Knights na naghulog sa kanila sa ikatlong dikit na kamalasan.
Sa ikalawang laro, pag-aagawan ng Letran at Mapua ang solo second spot sa kanilang banggaan.
Kumuha ang Knights ng 86-79 panalo sa Chiefs, habang dinagit ng Cardinals ang Altas, 71-65.
- Latest