Jarman umpisa na agad sa training
MANILA, Philippines — Abala pa si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo ngunit umpisa na agad ang mga kalaban nito sa paghahanda para sa 2028 LA Olympics.
Nangunguna na sa listahan si Filipino-British Jake Jarman na simula na agad sa ensayo upang mahasa ang mga routines nito.
Nagkasya lamang si Jarman sa tansong medalya sa 2024 Paris Olympics men’s floor exercise na pinagharian ni Yulo.
Kaya naman nais ni Jarman na maagang magsimula sa paghahanda para maging pulido ang performance nito bago dumating ang 2028 Games.
Sa kanyang post sa social media, ipinakita ni Jarman ang training nito kabilang na ang kanyang mga ginagawa para sa floor exercise.
Naglagay pa ito ng caption na “ready for the next Olympics.”
Isa sa hinahasa ni Jarman ang perpektong landing.
Target sana ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makuha si Jarman upang maging bahagi ng men’s national team para sa 2028 LA Olympics.
Subalit nilinaw ni Jarman sa isang panayam na malabo pa itong matupad sa LA Olympics dahil ang Great Britain pa rin ang irerepresenta nito.
- Latest