^

PM Sports

UP makikisosyo sa liderato vs NU

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kukote ng last year’s runner up University of the Philippines ang su­malo sa tuktok ng liderato pagharap nila sa National University nga­yong araw sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum.

Magsisimula ang sagupaan ng Fighting Maroons at Bulldogs sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng FEU Tamaraws at UE Red Warriors sa alas-4:30 ng hapon.

Tangan ang 2-0 karta, muling kakapitan ng UP si JD Cagulangan sa opensa upang makuha ang panalo at makasalo sa top spot ang defending champions De La Salle University na may malinis na tatlong panalo.

Kumana si Cagula­ngan ng 21 points, pitong rebounds at apat na assists sa panalo nila kontra UE noong Sabado kaya naman mananatiling siya ang pangunahin armas ng UP.

“We played well for the first two and a half quarters. In the first half, our offense was flowing nicely, and we were shooting well. Our defense was also strong, allowing only 29 points, but we gave up 42 points in the second half,” pahayag ni UP assistant coach Christian Luanzon.

Maliban kay Cagula­ngan, huhugot din ng lakas ang UP kina Mark Belmonte, Harold Alarcon, Jacob Bayla, Francis Lopez at Dikachi Ududo.

Pero hindi basta magiging madali para sa UP ang makuha ang panalo sa mabangis na Bulldogs na galing sa panalo.

Hawak ang 1-1 karta, ipi­nakita ng NU ang ka­ni­lang tibay sa dikdikang laro matapos ang unang dalawang pahirapang laban.

Natalo ang Bulldogs sa unang laban pero pinahirapan nila ang Green Archers, 75-78 bago itinakas ang 62-60 unang panalo kontra Tamaraws.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with