UP-La Salle
Gaya naman nang inaasahan, agad raratsada ang La Salle Green Archers at UP Maroons sa UAAP Season 87 men’s basketball.
Mas malalim at mas makisig ang rotation nina coach Topex Robinson at coach Goldwin Monteverde – bagay na agad nakita sa mga unang sultada ng season.
“Championship rematch iyan, walang duda,” ani Pareng Kandong Pabaya sa muling pagsilip sa kanyang bolang kristal.
NU, Adamson at Ateneo ang mga unang biktima nina Kevin Quiambao at ng kanyang DLSU teammates, samantalang Ateneo at NU ang mga unang nakalasap ng pangil nina JD Cagulangan at ng kanyang mga katropa mula Katipunan.
Bali ang pakpak ng Blue Eagles, at mukhang mahihirapang tapatan man lang ang kanilang No. 4 finish sa elimination round last season.
Mula sa kangkungan, umaalagwa ang Growling Tigers, samantalang composed, calm at palaban ang Falcons.
Malungkot ako kay Sean Chambers, na salengkwang sa kanyang unang dalawang laro bilang coach ng FEU Tamaraws, ganoon din naman sa mga UE Warriors na mukhang mananatiling malayo sa kwentuhan.
Wala sa Final Four ang Tamaraws noong 2022 at 2023. Pero mas malupit ang sitwasyon ng Warriors na last time nakatungtong sa semifinals noon pang 2009.
Ika nga nina Allan Caidic, Jerry Codiñera, James Yap at Paul Lee: “Aray ko!”
Ang focus ng marami eh ang UP-La Salle.
Unang beses silang magsasagupa sa Oct. 6 sa MOA Arena.
- Latest