^

PM Sports

Adams pasikat sa panalo ng SMB

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Adams pasikat sa panalo ng SMB
Imbes na bola ay mukha ni Phoenix import Brandone Francis ang nahampas ni SMB guard Jericho Cruz.
PBA Image

MANILA, Philippines — Maugong ang na­ging pagbabalik ni Jordan Adams nang buhatin sa 139-127 panalo ang San Miguel Beer kontra sa Phoenix sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pinalitan ni Adams ang isa pang reinforcement na si Sheldon Mac, na isang beses lang naglaro para sa Beermen, at parang hindi umalis saglit nang kumamada ng 49 puntos at 11 rebounds kabilang na ang 4-point shots.

Matatandaang nalagay sa injured reserve list si Adams sa nakaraang laban ng SMB dahil sa plano ng Beermen na sumandal sa import na mas guwardiya ang laruan kaysa sa big man.

Bagama’t panalo kontra sa NLEX, 119-114, ay nagtala lang ng 16 puntos si Mac sa naturang laban na hindi katanggap-tanggap tungo sa pagbabalik ni Adams para sa koponan ni coach Jorge Gallent.

At hindi niya binigo ang SMB na umangat sa segunda puwesto ng Group B hawak ang 5-2 kartada nang makatulong sina June Mar Fajardo at CJ Perez na may 23 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag din ng 16 si Marcio Lassiter, na nalampasan si “The Triggerman” Allan Caidic noong nakaraang laro para sa No. 2 spot ng PBA All-Time 3-points.

Sa unang quarter lang nakadikit ang Phoenix sa SMB, na umalagwa na second quarter hanggang sa dulo tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with