^

PM Sports

Heroes’ welcome sa Malacañang kasado na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibigyan din ng engrandeng heroes’ welcome ang mga Team Philippines na sumabak sa katatapos na Paralympic Games sa Paris, France.

Makakasama ng Paralympic team si Pangulong Bongbong Marcos sa isang espesyal na programa.

Nakatakda ngayong araw ang courtesy call ng Paralympians sa alas-2:30 ng hapon sa Malacañang Palace kung saan nag-aabang si Marcos.

“Our President is very supportive who acknowledges and recognizes the efforts of our athletes,” ani Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.

Magtutungo sa Malacañang sina Agustina Bantiloc ng archery, Allain Ganapin ng taekwondo, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano, at swimmers Angel Otom at Ernie Gawilan.

Inihanda ng Malacañang ang programa tulad ng ginawa nito sa Team Philippines na matagumpay na nakapag-uwi ng dalawang ginto at dalawang tanso sa Paris Olympics.

Nagpasalamat si Barredo sa oras na ilalaan ng Pa­ngulo para makasalamuha ang Paralympic team.

“We express our gratitude to the President for his all-out support. Our Chief Executive made us feel r­eally special. Our para athletes did their best at the Paris Paralympics but fell short of reaching the podium. We are proud of their valiant efforts, nonetheless,” ani Barredo.

Sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman Richard Bachmann ang preparasyon at buong partisipasyon ng Pinoy Paralympians sa Paris.

Nais ni Bachmann na palakihin ang insentibo ng mga para athletes gaya ng mga natatanggap ng mga regular na atleta.

PARALYMPIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with