^

PM Sports

Gold sa SEAG kaya ng Alas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — May pag-asa ang Alas Pilipinas na makahirit ng gintong medalya sa Southeast Asian Games volleyball competitions na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Ito ang nakikita ni Philippine National Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation Tats Suzara, umaangat na ang volleyball sa bansa.

“We need to improve, improve, improve,” ani Suzara.

Kasalukuyang nasa ika-56 puwesto sa world ran­kings ang men’s team habang ika-63 naman ang women’s team squad.

“I want them to go up higher in the rankings like what Gilas Pilipinas is doing,” ani Suzara.

Kailangan lamang ng tamang exposure upang magtuluy-tuloy ang pagganda ng laro ng Alas Pilipinas — sa men’s division at women’s division.

“Our national teams need 30 international matches a year. And we will do this. Kung maaari lang na one year wala sila dito we will do that though it’s expensive,” dagdag ni Suzara.

Kung magagawa ito, malaki ang tsansa ng Alas Pilipinas na lumaban para sa gintong medalya sa Thailand Games.

“There is a chance to get the gold next year. Tinatalo na natin ang Vietnam and Indonesia. That’s why I have a very good forecast for the next SEA Games. Medyo takot na sila (opposition) sa atin. I’m really optimistic sa men’s and women’s team natin,” ani Suzara.

Nakaharang sa daan ng Pilipinas ang matitikas na koponan ng Thailand, Vietnam at Indonesia na siyang madalas na nasa Top 3 sa SEA Games.

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with