^

PM Sports

Boatwright naturalization isinusulong

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Minamadali na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang naturalization ni Bennie Boatwright para maka­sama na nito ang Gilas Pilipinas sa mga international tournaments.

Nilinaw ng SBP na prayoridad pa rin ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee bilang naturalized player.

Ngunit nais ng asosasyon na mapadali na ang pro­seso ng naturalization ni Boatwright upang makalaro na ito sa susunod na taon.

Binabantayan din ng SBP si Boatwright na galing sa minor surgery kamakailan.

“As of now, Bennie is coming off of surgery and we don’t yet know when he’ll be available. Also, his naturalization process is not nearly done. There’s still a lot of work left,” ani Gilas head coach Tim Cone.

Maganda ang rekord ni Boatwright na sanay na rin sa estilo at sistema ng Philippine basketball.

Noong naglalaro ito para sa San Miguel Beer, nagtala si Boatwright ng averages na 30.3 points, 12 rebounds at 3.5 assists upang tulungan ang Beermen na makuha ang Commissioner’s Cup title.

Nakatakdang sumalang ang Gilas sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifers na gaganapin sa Nobyembre sa Maynila.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand at Hong Kong.

At si Brownlee ang mangunguna sa ratsada ng Pinoy squad kasama ang mga local players. 

GILAS

SBP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with