International pole vault event ni Obiena kanselado
MANILA, Philippines — Kinansela na ni two-time Olympian Ernest John Obiena ang international pole vault competition na idaraos sana sa Makati tampok ang matitikas na pole vaulters sa mundo.
Gaganapin sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City.
Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon.
“I am truly sorry for this. I and the organizing team worked tirelessly to make this happen; unfortunately, we encountered a few unexpected hurdles, including my fractured vertebrae,” pahayag ni Obiena.
Isa sa pangunahing dahilan nito ang pagtatamo ni Obiena ng back injury.
Kaya naman minabuti nitong magpahinga na lamang muna sa anumang uri ng kumpetisyon.
Lalahok sana sa naturang event sina world champion, Olympic champion at world record holder Armand Duplantis ng Sweden gayundin si Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks.
Bilang kapalit, magkakaroon na lamang si Obiena ng meet and greet sa Setyembre 15 sa Ayala Malls Manila Bay Activity Center.
- Latest