^

PM Sports

Frayna, Canino handa na sa Olympiad

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na sina Janelle Mae Frayna at Ruelle Canino sa pagsabak nito sa prestihiyosong 2024 World Chess Olympiad na idaraos simula sa Setyembre 10 sa Budapest, Hungary.

Galing sina Frayna at Canino sa impresibong kampanya sa XXV Open Internacional de Sants-Ciudad de Barcelona na ginanap sa Barcelona, Spain.

Si Frayna, ang nag-iisang Woman Grandmaster sa Pilipinas sa kasaluku­yan, ay may unbeaten record kung saan nakalikom ito ng 6.5 puntos sa 10 laro.

Sa kabilang banda, nagrehistro naman ang 16-anyos na si Canino ng anim na puntos para makakuha ng magandang rating points.

Nagsumite si Frayna ng tatlong panalo kabilang ang paggulantang kay GM Gabor Papp ng Hungary sa third round. May pitong draws din ito.

“The real star in this tournament is 16-year-old, WFM (Woman FIDE Master) Ruelle Canino. She almost achieved her first WIM (Woman International Master) norm,” ani Frayna.

Nakatakdang bumalik sa bansa sina Frayna at Canino para paghandaan ang pagtulak nito sa Budapest sa susunod na linggo.

Kasama nina Frayna at Canino sina Jan Jodilyn Fronda, Shania Mae Mendoza at Bernadette Galas.

Sa men’s division, ha­­hataw sina GMs Inno Sadorra at John Paul Gomez, GM-candidate Daniel Quizon at IMs Jem Garcia at Paolo Bersamina.

 

JANELLE MAE FRAYNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with