^

PM Sports

Durham, Quinto humataw sa panalo ng Meralco

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuryente ng Meralco ang Terrafirma, 107-91, para makabalik sa winning column ng 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Mabilis na balikwas ito para sa Bolts matapos tumaob sa Talk ‘N Text sa nakaraang laro, 93-73.

Nauna nang nanalo ang Meralco kontra sa Magnolia, 99-94, para sa ngayon ay 2-1 kartada upang makasosyo sa lide­rato ng Group A ang TNT at Converge.

Nagsanib-pwersa sina Allen Durham at Bong Quinto na pumalo ng 23 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod, para banderahan ang coast-to-coast win ng mga bataan ni coach Luigi Trillo.

Nag-ambag din ng 17 at 12 puntos sina Chris Banchero at Allein Maliksi, ayon sa pagkakasunod, habang may 16 din ang rookie na si CJ Cansino, na nasikwat ng Meralco bilang No. 11 pick sa bigating PBA Rookie Draft.

Maagang umalagwa ang Meralco, 31-19, at hindi na lumingon pa at dumiretso hanggang sa maiskor ang kumbisidong 16-point win kontra sa winless na Terrafirma.

Muling nanguna para sa Dyip ang bagong player na si Stanley Pringle na may 19 puntos subalit hindi pa rin sumapat para madala sa unang panalo ang koponan.

Umiskor din ng 18 puntos ang import na si Antonio Hester habang nagpasiklab sa 16 puntos ang No. 22 rookie pick na si Paolo Hernandez.

Nagkasya lang sa tig-9 puntos ang ace guard na si Juami Tiongson pati na ang bagong big man na si Christian Standhardinger para sa Dyip na laglag sa 0-3 kartada matapos ding matalo sa Converge, 127-95 at NorthPort, 112-93.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with