^

PM Sports

Hopson itinakas ang Fiberxers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Hopson itinakas ang Fiberxers
Inilusot ni Converge import Scotty Hopson ang kanyang layup kontra kay Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga.
PBA image

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Scotty Hopson ang game-winning 4-point shot upang akayin sa pambihirang 96-95 panalo ang Converge kontra reigning champion Talk ‘N Text sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Dapa sa 92-95 ang FiberXers sa huling 4 na segundo nang pumukol si Hopson ng pambihirang long distance shot para mabigyan ang Tropang Giga ng una nitong talo.

Angat sa 2-1 ang Converge katabla ang TNT (2-1) para sa pansamantalang liderato sa Group A tampok din ang Meralco (1-1), NorthPort (1-1), Magnolia (1-1) at Terrafirma (1-1).

Wagi ang FiberXers sa debut nito kontra sa Terrafirma, 127-95, para sa pinakamalaking panalo nila sa franchise history bago yumukod sa Magnolia, 105-93.

Tumabo ng 32 puntos si Hopson upang banderahan ang balanseng atake ng mga bataan ni coach Franco Atienza na inaming dinisenyo talaga ang 4-point play para sa tagumpay na hindi na kailangan ng tres para sa overtime.

Bukod sa game-winner, si Hopson din ang nakapigil sa depensa kay TNT reinforcement Rondae Hollis-Jefferson upang maselyuhan ang panalo.

Sumuporta sa super import sina Schonny Winston, Justin Arana, Kevin Racal at Alex Cabagnot na may 14, 13, 12 at 10 puntos,  ayon sa pagkakasunod.

Natulog pa sa pansitan ang FiberXers buong laro nang maiwan agad sa 16-29 sa first quarter.

Gamit ang balanseng atake, unti-unti itong binaklas ng Converge hanggang sa makadikit sa huling minuto bago sumaklolo si Hopson sa unang 4-point winner sa PBA na sinimulan ang makasaysayang 27-foot line ngayong Season 49.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with