^

PM Sports

Basheirrou dinomina ang Sprint Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bahagyang napahirapan sa unahan pero ipinakita pa rin ng Basheirrou ang husay nito sa karerahan matapos sikwatin ang korona sa 2024 PHILRACOM “4-Year-Old Sprint Race” na nilarga sa metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kumaripas agad ang Secretary, Basheirrou at Gusto Mucho sa largahan at nagtagisan agad ng bilis sa unahan pero makalipas ang unang 200 metro ng labanan ay umungos ng kalahating kabayo ang winning horse.

Pagdating ng far turn ay lamang na ng isa’t kalahating kabayo ang Basheirrou sa humahabol na Secretary habang nasa pangatlo na ang Sky Story.

Lalong ginanahan manakbo ang Basheirrou pagsungaw ng rektahan, umalagwa sa dalawa’t kalahating kabayo na ang kanyang bentahe kaya magaan nitong tinawid ang finish line.

Ginabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) -J­ockey of the Year awar­­dee Jonathan Basco Hernandez, nirehistro ng Basheirrou ang tiyempong 57.6 segundo sa 1,000 meter race.

Hinamig ng Basheirrou ang premyong P180,000, napunta sa second pla­cer na Gusto Mucho ang P67,500 habang P37,500 at P15,000 ang third at fourth na Secretary at Istulen Ola, ayon sa pagkakasunod.

Nagbulsa rin ang bree­der ng nanalong kabayo na si Melaine Habla ng P15,000 habang  P9,000 at P6,000 ang second at third place.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with