^

PM Sports

3 Pinoy cue artists swak sa Last 16

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasok sa Last 16 ang tatlong Pinoy cue ar­tists ma­­tapos magtala ng mga panalo sa knockout stage ng 2024 US 9-Ball Open Championships sa Harrah’s Resort sa Atlantic City sa New Jersey.

Tinumbok ni two-time All Japan Championship winner Johann Chua ang 10-6 panalo kontra kay Je­remy Jones ng USA sa Last 32 upang manatiling ma­lakas ang tsansa na masungkit ang korona.

Ang dalawa pang Fi­lipino bets na sasargo sa susunod na phase ay si­na Michael Baoanan at Jefrey Roda na pinatalsik ang kanilang mga kababayang sina Lee Vann Cor­tez, 10-7, at Jeffrey Ig­nacio, 10-9, ayon sa pag­kakasunod.

Tiyak nang may Pinoy na papasok sa Last 8 sa event na nakataya ang $300,000 (P16 milyon) guaranteed prize ito’y dahil magkatapat sina Chua at Roda, habang ka­harap ni Baoanan si Da­vid Alcaide ng Spain.

Nakatutok ang mga Pinoy fans sa tatlong na­ti­tirang pambato ng Pilipinas lalo na kay Chua na kampeon sa 2022 WPA World Team Championship kung saan naging ka­kampi niya sina Carlo Biado at WPA women’s champion Rubilen Amit at hari sa 2023 World Cup of Pool at katambal si James Aranas.

Nasibak ang two-time world champion na si Biado matapos yumuko kay Skyler Woodward ng America, 7-10 sa round-of-32.

vuukle comment

BILLIARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with