^

PM Sports

Eala umusad sa US Open qualifiers Finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakadikit si dating US Open juniors champion Alex Eala sa tsansang makapasok sa main draw ng prestihiyosong 2024 US Open matapos masi­guro ang tiket sa final round ng qualifying tournament kahapon sa New York.

Naglabas ng malakas na puwersa si Eala para sorpresahin si world No. 99 Nuria Parrizas Diaz ng Spain sa pamamagitan ng pukpukang 7-5, 7-5 panalo sa second round ng qualifiers.

Hindi hinayaan ni Eala na makahulagpos sa kanya ang panalo matapos magpasabog ng matatalim na atake upang pigilan ang matikas na ratsada ng Spanish player.

Makakaharap ni Eala si dating world No. 32 at kasalukuyang world No. 61 Elena-Gabriela Ruse ng Romania.

Umabante sa finals si Ruse matapos ilampaso si Ma Yexin ng China sa bisa ng 6-3, 6-3 demolisyon sa second round.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Eala para makasiguro ng kauna-unahang appea­rance sa main draw ng isang Grand Slam event.

Matatandaang pumasok din sa finals si Eala sa qualifying event ng French Open at Wimbledon Championships suba­lit bigo ito sa kanyang dalawang pagsalang.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with