Perez-Cayuna tandem lalong tumibay
MANILA, Philippines — Habang tumatagal ay lalong nagagamay ni Cignal HD veteran setter Gel Cayuna ang laro ni Ve-nezuelan import MJ Perez.
Sa 23-25, 25-22, 26-28, 25-14, 15-11 panalo ng HD Spikers noong Huwebes ay bumanat si Perez ng conference-best 34 points sa Pool D sa second round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
“Patagal nang patagal, talagang nakukuha na namin ‘yung gusto niyang set and iyon nga, talagang lagi naming inaaral ‘yung mga combination plays kasi hindi naman puwedeng puro basic lang,” ani Cayuna na naglista ng conference-high 31 excellent sets.
Hangad ang ikatlong dikit na panalo, lalabanan ng Cignal ang sibak nang Nxled ngayong alas-3 ng hapon matapos ang laro ng Capital1 Solar Energy at talsik nang Galeries Tower sa ala-1 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Sa huling laro sa alas-5 ng hapon ay magtutuos ang Akari at Farm Fresh.
Swak na sa eight-team quarterfinal round ang Chargers (7-0), HD Spikers (6-1), nagdedepensang Petro Gazz Angels (4-3) at Solar Spikers (4-3) kasama ang Creamline Cool Smashers (5-2), PLDT High Speed Hitters (5-2) at Chery Tiggo Crossovers (5-2) sa Pool C.
Bukod kina Perez at Cayuna, ang iba pang aasahan ng Cignal ay sina Ces Molina, Riri Meneses, Jackie Acuña at Toni Rose Basas katapat sina American import Meegan Hart, Lycha Ebon, Chiara Permentilla, Jhoana Maraguinot at Krich Macaslang.
- Latest