^

PM Sports

Tropang Giga sisimulan na ang pagdepensa sa titulo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ni Rondae Hollis-Jefferson, sisimulan ng Talk ‘N Text ang pagdepensa nito ng titulo kontra sa NorthPort sa 2024 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sisiklab ang aksyon sa alas-7:30 ng gabi tampok ang misyon ng Tropang Giga na makabawi nga­yong Season 49 matapos mabokya sa kahit anong titulo sa Season 48.

Walang Governors’ Cup sa nagdaang season tampok ang 2-conference format lang na Philippine Cup at Commissioner’s Cup dahil sa ginanap na 2023 FIBA World Cup kaya nanatiling reigning champions ang TNT.

Matatandaang si Hollis-Jefferson ang tinanghal na Best Import sa huling Govs’ Cup na pinagharian ng Tropang Giga matapos bigyan ng unang talo sa PBA ang resident import na si Justin Brownlee ng Ginebra.

Ngayon, may mga ba­gong kasama si Hollis-Jefferson sa pangunguna ng ace guard na si Rey Nam­batac na nakuha ng TNT mula sa trade sa Blackwater.

Naging kapalit ni Nambatac sina Kib Montalbo, Jewel Ponferada at future 2nd round pick.

Paborito ang mga ba­taan ni coach Chot Reyes subalit palaban din ang Ba­tang Pier ni coach Bon­nie Tan na may mga bagong manlalaro rin.

Samantala, hindi rin pahuhuli ang duwelo ng Blackwater, sa pamumuno ni No. 2 pick Sedrick Barefield, at Rain or Shine sa alas-4:30 ng hapon.

Ipaparada ng Rain or Shine ang No. 7 at No 8 picks nilang sina Caelan Tiongson at Felix Lemetti, ayon sa pagkakasunod, upang tapatan si Barefield.

 

TROPANG GIGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with