^

PM Sports

EJ nahulog sa No. 3 sa rankings

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumadsad sa ikatlong puwesto si two-time Olympian Ernest John Obiena matapos ang bigong ratsada nito sa katatapos na 2024 Paris Olympics.

Base sa inilabas na listahan ng world governing body ng athletics, bumagsak si Obiena sa ikatlo kung saan naungusan ito ni Sam Kendricks ng Amerika na nakasungkit ng silver medal sa Paris Olympics.

Nanatili sa No. 1 position si world champion, world record holder, Olympic record holder at Paris Olympics gold medalist Armand ‘Mondo’ Duplantis ng Sweden.

Bigo si Obiena na ma­kapag-uwi ng medalya sa katatapos na Paris Games.

Nagkasya lamang ito sa ikaapat na puwesto matapos magtala ng 5.90 metro.

Hindi naabot ni O­biena ang 5.95 metro na magbibigay sana sa kanya ng awtomatikong bronze medal.

Sa halip, napunta kay Emmanouil Karalis ng Greece ang tanso na may parehong 5.90m.

Naungusan ni Karalis si Obiena sa countback dahil nakuha nito ang naturang marka sa kanyang unang attempt lamang kumpara sa dalawang attempts ng Pinoy bet.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with