Athletes’ dormitory project ni Pia
MANILA, Philippines — Sabik na si Senator Pia Cayetano kaugnay sa itatayong athletes’ dormitory sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila na lalo pang naging mahalaga matapos ang pinakamahusay na Olympic performance ng mga atleta sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.
Bahagi ng P100-million initiative sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC), ang proyekto ay isinulong ni Cayetano, ang Senior Vice Chairperson ng Senate Committee on Finance, sa likod ng suporta ni dating Chairperson Senator Sonny Angara na ngayon ay Education Secretary.
Tinukoy ni Cayetano ang pag-unlad ng Philippine sports matapos ang kinuhang dalawang gold medals ni gymnast Carlos Yulo at tig-isang bronze nina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas sa Paris Olympics.
Ang Pilipinas ang hinirang na best-performing country sa Southeast Asia.
- Latest