^

PM Sports

Diaz proud ate kay Yulo

Chris Co - Pang-masa
Diaz proud ate kay Yulo
Sina Olympic Games gold medal winners Carlos Yulo at Hidilyn Diaz.
POC photo

MANILA, Philippines — Reunited sina Olympic gold medalists Hidilyn Diaz at Carlos Edriel Yulo sa Paris para ipagdiwang ang matikas na kampanya ng Team Philippines sa Paris Olympics.

May picture sina Diaz at Yulo sa kilalang landmark sa Paris na Eiffel Tower kung saan ipinakita ng huli ang kanyang dalawang gintong napanalunan sa gymnastics.

Inamin ni Yulo na malaki ang naging parte ni Diaz sa kanyang laban sa Olympics.

Sinabi nitong nagsilbing inspirasyon ni Yulo si Diaz para maabot ang inaasam na tagumpay matapos ang kanyang bigong kampanya noong 2021 Tokyo Olympics.

Matatandaang may isang larawan na lumabas sa social media kung saan ipinahawak ni Diaz kay Yulo ang kanyang gold medal na napanalunan noon sa Tokyo.

Ito ang naging motibasyon ni Yulo para mas lalong magsikap at magtagumpay sa kanyang laban.

At naisakatuparan ito ni Yulo nang mamayagpag ito sa men’s floor exercise at men’s vault.

“Talagang dala ko parati yung motivation and inspiration from ate Hidilyn kapag lumalaban ako. Sobrang worth it po lahat ng pagsisikap ko sa training,” ani Yulo.

Proud naman si Diaz sa tinatamasang tagumpay ni Yulo na itinuturing nitong nakababatang kapatid.

“Alam ko ang mga sakripisyo niya at pinagdaanan niya kaya sobrang proud ako sa kanya,” ani Diaz.

Nagpost si Diaz ng la­rawan nito sa social media kasama si Yulo.

May larawan din na lumabas kasama nina Diaz at Yulo si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with