^

PM Sports

Thailand dapa sa Gilas Boys

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binoldyak ng Gilas boys ang Thailand, 87-53, upang manatiling walang galos sa 2024 SEABA U18 Qualifiers kahapon sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Angat sa 2-0 kartada ang Gilas matapos unang kaldagin ang host na Malaysia, 97-71, upang palakasin ang tsansa sa kampeonato ng Southeast Asian tourney.

Ang No. 1 team lang sa SEABA ang makakasikwat ng tiket sa 2024 FIBA U18 Asia Cup sa Jordan sa Set­yembre at may tsansa ang Gilas na makaiwas sa anumang kumplikasyon kung mawawalis ang buong torneo.

Huling haharang sa kanilang daan ang Indonesia ngayong alas-4 ng hapon.

Trumangko sa Gilas boys si Andy Gemao na tumikada ng 19 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 3 steals.

Umalalay sa kanya sina Wilhelm Lawrence Cabonilas at Carl Vincent Man­ding na may 17 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag naman ng 8 si Marc Burgos sa mada­ling 34-point win ng Gilas.

Hangad ng Gilas U18 na masundan ang yapak ng U16 team na winalis din ang SEABA noong nakaraang edisyon upang makapasok sa Asian tilt, kung saan sila pumang-apat tungo sa tiket sa katatapos lang na FIBA U17 World Cup.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with