^

PM Sports

Slam dunk king ipaparada ng SMB

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang NorthPort at Converge na lamang ang wala pang inihahayag na import para sa PBA Season 49 Governors’ Cup na didribol sa Agosto 18.

Ito ay matapos kunin ng San Miguel si Lithuanian forward Tauras Jogela para sa kampanya sa season-opening conference.

Ang 31-anyos na si Jogela ay ang 2011 L­i­thuanian Student Basketball League (MKL) Slam Dunk Contest champion at naglaro sa mga liga sa Romania, Latvia, Poland, Hungary at Austria.

Hangad ng Beermen na wakasan ang siyam na taong pagkauhaw sa Go­vernors’ Cup crown matapos magkampeon noong 2015 sa likod ni import Arizona Reid.

Ang iba pang imports na sasabak sa torneo ay sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra, Allen Durham ng Meralco, Aaron Fuller ng Rain or Shine, Darius Days ng TNT Tropang Giga, Glen Robinson III ng Magnolia, Jayveous McKinnis ng Phoenix, Myke Henry ng NLEX, Brandon Edwards ng Terrafirma at Ricky Ledo ng Blackwater.

Kasama ng Beermen sa Group B ang Gin Kings, Bossing, Fuel Masters, Elasto Painters at Road Warriors, habang nasa Group A ang Tropang Giga, Hotshots, Dyip, FiberXers at Batang Pier.

Samantala, ibinigay ng Rain or Shine si rookie Miguel Corteza sa Blackwater kapalit ng second-round pick ng Bossing sa PBA Season 51.

Ibinigay naman ng NorthPort si sophomore guard Brent Paraiso sa Terrafirma para sa Season 51 PBA Draft second round pick ng Dyip.

 

SLAM DUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with