^

PM Sports

2 Palaro record winasak ni Mojdeh

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umariba agad ang pam­bato ng Calabarzon Region na si Micaela Jasmine Mojdeh nang su­mi­­­sid ito ng dalawang ba­gong rekord sa 2024 Pa­larong Pambansa swimming competition sa Cebu City Sports Center sa Cebu City.

Ito ang huling taon ni Mojdeh sa Palaron.

Kaya naman nais ni­tong magkaroon ng ma­gar­bong exit nang burahin nito ang rekord sa girls se­condary 200m butterfly event kung saan naglista ito ng 2:41.75.

Mas maganda ito kum­para sa lumang rekord ni Xiandi Chua na 2:43.78 noong 2019 Palaro.

Nauna nang naglista si Mojdeh ng bagong rekord sa secondary girls 200m butterfly event hawak ang 2:19.72 para basagin ang da­­ting marka na 2:22.69 na kanya ring naisumite no­ong 2019 sa Da­vao.

“I guess when I was 12, I was very concerned with other people’s expec­tations and this time I just really had to let go of those expectations and really just enjoy myself,” sabi ni Moj­deh.

Hahataw pa si Mojdeh sa apat na individual events at dalawang relays.

“I was really nervous be­­cause even though this isn’t an international competition, I know the whole Philippines is watching and they’re really counting on me but at the end of the day I just really wanted to enjoy my swim and get a good time,” dagdag ni Mojdeh.

Patuloy ang pagwasak sa mga rekord sa Palarong Pambansa kabilang na ang bagong marka na naitala ni Charles Daniel Turla ng Western Visayas Region sa athletics.

MICAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with