^

PM Sports

Lady Knights nagparamdam agad sa SSL National Invitationals

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinaramdam agad ng NCAA runner-up Letran Lady Knights ang kanilang lakas matapos nilang panain sa tatlong sets ang University of San Carlos Lady Warriors, 25-22, 25-14, 25-12 sa simula ng 2024 Shakey’s Super League National Invitationals na nilaro sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila kahapon.

Nahirang na Best Player of the Game si Angelique Ledesma matapos magtala ng seven points mula sa three attacks at tig- dalawang blocks at service aces para sa Letran.

Nirehistro ng Intramu­ros-based squad Letran ang 1-0 karta para manguna sa Pool D habang nalasap ng Lady Warriors ang unang kabiguan.

Bahagyang mabagal ang panimulang laro ng Lady Knights sa unang set pero matapos silang masabihan ni head coach Oliver Almadro ay lumabas ang kanilang bangis.

“We just stick to the system and believe na kaya namin para maipagpatuloy itong panalo,” wika ni Ledesma.

Sa ikalawang laro, gaya ng inaasahan winalis ng UAAP champion National University ang Enderun Colleges, 25-19, 25-15, 25-16.

Uminit ang opensa ni Evangeline Alinsug upang tulungan ang Lady Bulldogs na kanain ang unang asignatura at ilista ang 1-0 karta sa Pool A.

Tumikada si outside hitter Alinsug ng 13 points mula sa 12 attacks at isang service ace para sa NU na ipinalasap sa Enderun ang unang talo.

Winner ng unang d­alawang SSL pre-season championships, kasama ng Lady Bulldogs sa Pool A ang Enderun Colleges at Xavier University-N­­or­thern Mindanao Selection.

Sunod na laro ng NU ay kontra sa Xavier University sa Biyernes ng alas-12 ng tanghali.

 

vuukle comment

LADY KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with