^

PM Sports

Batang Manda, Primavera sanib-puwersa sa 3rd Leg

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsasanib-puwersa ang Batang Manda at Prima­vera para masungkit ang korona sa 3rd leg ng 2024 PHILRACOM Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Hulyo 21.

Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang Batang Manda habang si veteran rider Jeffrey Bacaycay ang papatong sa Primavera para harapin ang anim pang kabayo na nagsaad ng paglahok.

Pag-aari ni Benjamin Abalos ang tigasing Batang Manda at Primavera.

Walang triple crown sweep ngayong taon dahil ang Ghost ang nagwagi sa unang leg habang ang Bea Bell sa pangalawa.

Pero ang Ghost na lang ang tatakbo sa 3rd leg dahil hindi sasali ang Bea Bell.

Nakalaan ang P2.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang naghayag ng pagsali sa nasabing karera ay ang Added Haha, Amazing, High Dollar, Still Somehow at Worshipful Master.

May distansyang 2,000 meter race, hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.5M premyo, susungkitin ng second placer ang P562,500 habang P312,500 at P125,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

Paniguradong maganda ang mga lineup ng races na pasisibatin ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa mismong araw ng karera kaya masaya panigurado ang paglilibang ng mga karerista.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with