^

PM Sports

Gilas babangga sa Latvia sa FIBA OQT

Chris Co - Pang-masa
Gilas babangga sa Latvia sa FIBA OQT
Si Dwight Ramos sa isang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

MANILA, Philippines — Umpisa na ng ratsada ng Gilas Pilipinas upang makasungkit ng puwesto sa Paris Olympics sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na papalo ngayong araw sa Arena Riga sa Latvia.

Unang haharapin ng Gilas ang host at world No. 6 Latvia sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

Tiwala ang Gilas Pi­lipinas coaching staff na handang-handa na ang kanilang tropa na maki­pagbakbakan lalo pa’t ga­ling ito sa pukpukang ensayo sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna bago tumulak sa Europa.

Sumalang pa ang Gilas Pilipinas sa tuneup game kontra Chinese-Taipei na sinundan ng dalawa pang friendly matches laban sa Turkey at Poland.

Kaya naman umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na lalaban ang kanyang bataan para makuha ang inaasam na tiket sa Paris Games.

Aminado si Cone na matinding laban ang haharapin nito lalo pa’t solido ang Latvia na tumapos sa ikalimang puwesto sa 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Manila noong nakaraang taon.

Wala sa lineup ng Latvia si Kristaps Porzingis na bahagi ng NBA champion Boston Celtics matapos itong sumailalim sa o­perasyon.

Wala rin si World Cup top scorer Andreis Grazulis sa lineup ng Latvia na nakapaskil sa FIBA.

Gayunpaman, nananatiling malakas ang Latvia dahil nariyan pa sina power forwards Davis Bertans at Rolands Smits.

Solido ang mga numero ni Bertans na may ave­rages na 12.0 points at 3.9 rebounds habang may 13 points, 4.4 rebounds at 1.3 assists na averages si Smits.

Sa kabilang banda, ipaparada ng Gilas Pilipinas si naturalized player Justin Brownlee kasama sina seven-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Kai Sotto.

Kailangan ng Gilas Pilipinas na makakuha ng pa­nalo sa group stage upang mapalakas ang tsansa nito sa Paris spot.

Sunod na makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Georgia sa alas-8:30 ng gabi sa Huwebes (oras sa Maynila).

Mangunguna para sa Georgia si Orlando Magic player Goga Bitazde kasama si Aleksander Mamukelashvili na bahagi ng San Antonio Spurs.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with