^

PM Sports

Gilas Pilipinas kasado na para sa FIBA OQT

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na ang Gilas Pilipinas na makipagsabayan sa matitikas na tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na aarangkada sa Huwebes sa Riga, Latvia.

Ibubuhos na ng Gilas ang buong lakas nito sa oras na tumuntong ito sa court sa pag-asang makasungkit ng tiket sa Paris Olympics.

Bagama’t talo sa dalawang laro, maganda ang ipinamalas ng Gilas sa tuneup games nito kontra sa Turkey at Poland.

Ito ang paniniwala ni Gilas team manager R­ichard del Rosario kung saan unti-unti nang lu­malabas ang pangil ng Pinoy cagers ilang araw bago magsimula ang Olympic qualifiers.

“We were good against Turkey, we were better against Poland, but we have to be at our best from here on out,” ani Gilas team manager Richard del Rosario.

Unang lumasap ng 73-84 kabiguan ang Gilas sa Turkey sa kanilang unang pagsalang sa Europe.

Sinundan ito ng dikit na 80-82 pagyuko sa Poland na magandang indikasyon na palaban na ang Gilas Pilipinas.

Ilang puntos pa ang kailangang plantsahin ng Gilas upang mas maging solido pa ang laro nito.

Tututukan ng tropa ang turnovers na isa sa pa­ngunahing pumapatay sa momento ng Pinoy squad sa mga laban nito.

Makakaharap ng Pilipinas ang Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with