^

PM Sports

Gilas Boys tambak sa Spain

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas sa European champion na Spain tungo sa 96-34 pagtaob upang manatiling walang panalo sa 2024 FIBA U17 World kahapon sa Sinan Erdem Dome sa Istanbul, Turkey.

Nalubog agad ang Gilas Boys sa 2-30 iskor sa first quarter at hindi nakabangon pa tungo sa mapait na 62-puntos na pagkatalo kontra sa world No. 2 at 2022 World Cup silver medalist na Spain.

Kasunod ito ng 107-48 kabiguan nila kontra naman sa world No. 7 na Lithuania para sa 0-2 kartada sa Group A.

Tanging si Bonn Ervin Dajan ang may 12 puntos ang nakapagpasiklab para sa world No. 25 na Gilas habang may 7 si Joaquin Gabriel Ludovice.

Susubok na makaiskor ng panalo ang Gilas kontra sa world No. 15 na Puerto Rico na wala pa ring panalo sa dalawang salang.

Tulad ng Gilas ay yumukod ang Puerto Rico sa Spain, 89-63, at Lithuania, 95-80.

Sa kabutihang palad, walang malalaglag sa group phase kahit pa hindi makaisa ang Gilas para sa tsansang makasilat sa crossover knockout rounds tampok ang lahat ng 16 na koponan mula sa 4 na grupo.

Bumida sa Spain si Maximo Garcia-Plata na may kumpletong 15 puntos, 7 rebounds at 9 assists sa 21 minutong aksyon lang para sa muntikang triple-double na performance.

Nag-ambag din ng 15 puntos si Guillermmo del Pino at may tig-13 sina Ignacio Campoy at Eric del Castillo para sa Spain na nakasalo ang Lithuania ng Group A.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with