^

PM Sports

Gilas magpapalakas para sa FIBA OQT

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas matinding ensayo ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas sa Europa bilang preparasyon sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na hahataw sa susunod na buwan sa Riga, Latvia.

Wala nang pahinga pa ang Gilas na pukpukan na sa ensayo para mabilis na makuha ang perpektong kundisyon lalo pa’t ilang araw pa lamang magkakasama sa ensayo ang pool.

“We still have a lot of work but we got tough. That’s the whole idea why we are playing now. It’s because we have a lot of work to do ahead of us. That’s why we are playing friendlies in Turkey and friendlies in Poland,” ani Gilas head coach Tim Cone.

Tiwala naman si Cone na magiging solido ang kanyang tropa bago sumapit ang Olympic qualifiers.

Matagal nang magkakasama ang lahat ng miyembro ng pool na sumabak na sa iba’t ibang international tournaments sa nakalipas.

Kaya naman kabisado na ng bawa’t isa ang galaw nito sa loob ng court at hindi na magiging mahirap pa ang adjustment.

Matapos ang friendly game kontra Turkey, sasa­lang naman ang Pinoy cagers sa isa pang tuneup game laban sa Poland.

Kasalukuyang No. 15 sa world rankings ang Poland kaya’t mapapalaban ng husto ang Gilas bagay na mas gusto ni Cone upang mas lalo pang lumakas ang kanyang bataan.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa Olympic qualifiers sa pagharap nito sa Latvia sa Hulyo 4.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with