^

PM Sports

Eala dumikit sa Wimbledon spot

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Abot-kamay na ni Asian Games bronze medalist Alex Eala ang tsansang makapaglaro sa unang pagkakataon sa isang Grand Slam event.

Inilabas ni Eala ang buong lakas nito para umusad sa final round ng qualifying tournament para sa prestihiyosong Wimbledon Championship na ginaganap sa London, England.

Nagawa ito ni Eala nang pataubin si dating world No. 22 at 2021 French Open semifina­list Tamara Zidansek ng Slovenia sa second round ng qualifying sa pamamagitan ng 1-6, 7-6, 6-3 come-from-behind win.

Masama ang panimula ni Eala matapos rumatsada ng husto ang Slovenian netter para mabilis na makuha ang first set.

Subalit hindi agad sumuko si Eala.

Nakipagsabayan ito sa second set kung saan walong match points ang naisalba nito para maipu­wersa ang deciding third set.

Nadala ni Eala ang momento sa final frame upang makuha ang panalo sa loob ng dalawang oras at 33 minuto.

Nagtala si Eala ng kabuuang 38 errors kumpara sa 23 ni Zidansek.

Ngunit hindi ito naging hadlang para makuha nito ang panalo.

Makakaharap ni Eala sa final round ng qua­lifying si Lulu Sun ng New Zealand para sa tsansang makapasok sa main draw ng prestihiyosong Grand Slam event.

Kung papalaring makapasok sa Wimbledon, si Eala ang kauna-unahang Pinay netter na masisila—yan sa aksyon sa knockout stage ng isang Grand Slam tournament.  

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with