^

PM Sports

Alas Pilipinas Women binigyan ni Go ng bonus

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang solidong suporta ni Sen. Bong Go sa mga atletang Pinoy.

Nagbigay si Go ka­sama ang Philippine Sports Commission (PSC) ng cash bonus na tig-P200,000 sa mga mi­yembro ng Alas Pilipinas Women sa PSC confe­rence hall sa Rizal Memorial Sports Complex.

Mula ito sa makasaysayang bronze medal fi­nish ng mga Pinay spikers sa nakaraang 2024 AVC Challenge Cup for Women na idinaos sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

“Nandito lang po kami laging sumusuporta sa pa­ngangailangan nila to motivate them. Ang importante dito ay iyong moral support to give their best para sa bayan,” sabi ni Go.

Nauna nang nagbigay si Go ng financial assistance na tig-P500,000 sa mga Olympic-bound athletes.

Maliban sa bonus ay nagbigay din ang chairman ng Senate Committee on Sports sa mga Pinay spi­kers ng sapatos at relo.

Personal na tinanggap nina Jia De Guzman, Angel Canino, Eya Laure, Thea Gagate, Fifi Sharma, Vanie Gandler, Julia Coronel, Arrah Panique, Dawn Catindig, Jen Nierva, Faith Nisperos, Cherry Nunag at Dell Palomata ang kanilang bonus kay Go at sa PSC.

Wala naman si Sisi Rondina.

Kasalukuyan nang naghahanda ang Alas Pilipinas Women para sa darating na 2024 FIVB Challenger’s Cup na nakatakda sa Hulyo 4 hanggang 7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Ang torneo ang tata­yong qualifying tournament sa Women’s Volleyball Nations League.

vuukle comment

ALAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with