^

PM Sports

Liyamadista lupaypay sa Magandang Dilag

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sabog ang bulsa ng mga liyamadista nang manalo ang Magandang Dilag sa Araw Ng Maynila Gran Copa De Manila Division II noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Ratratan sa unahan ang Red Queen, Cluster at Eye In The Sky sa kaagahan ng karera habang ang Magandang Dilag ay hindi nababanggit ng race caller hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Papunta pa lang sa far turn ng banggitin ang Magandang Dilag pero nasa pang-anim na puwesto pa ito habang nasa unahan pa rin ang Eye In The Sky.

Pero malakas ang remate ng Magandang Dilag dahil nakakapit agad ito sa Eye In The Sky sa far turn at nakuha ang bandera pagsungaw ng rektahan.

Hindi basta nagpadaig ang Eye In The Sky sa Magandang Dilag sa rektahan nakipagtagisan pa ito ng bilis subalit nanatili ang tikas ng winning horse at nanalo ito ng may tatlong kabayo ang agwat.

Ginabayan ni reig­ning Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee John Alvin Guce, nirehistro ng Magandang Dilag ang tiyempong 1:41.4 minuto sa 1,600 meter race.

Dumating na tersero ang Israel habang pang-apat ang Earli Boating sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with