^

PM Sports

Edu, Malonzo ‘di kasama sa Gilas training

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi muna makakasama ng Gilas Pilipinas sina Jamie Malonzo at AJ Edu para sa pagbubukas ng training camp nito ngayong linggo at sa mismong kampanya sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa susunod na buwan sa Latvia.

Kasalukuyang nagpapagaling pa si Malonzo ng Barangay Ginebra mula sa calf injury na natamo niya sa katatapos lang na PBA Philippine Cup habang hindi pa rin tuluyang naghihilom ang knee injury ni Edu, na nagsisilbing import sa Japan B.League para sa Toyama Grouses.

Nauna nang hindi nakalaro si Edu sa unang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers na winalis ng Gilas para sa 2-0 kartada kasama si Malonzo.

Papalit sa puwesto nina Edu at Malonzo sina Japeth Aguilar at collegiate star Mason Amos.

Magsisimulang mag­handa ang Gilas para sa OQT nitong linggo at inaasahan ang kumpletong attendance sa pangunguna ni naturalized player Justin Brownlee.

Dumating na sa bansa si Brownlee at inaasahang nasa pambihirang kundis­yon matapos ang kampan­ya sa Indonesian team na Pelita Jaya sa Basketball Champions League Asya.

Makakasama niya sina Ginebra teammate Scottie Thompson, Talk ‘N Text gunner Calvin Oftana at Kevin Quiambao ng La Salle pati na ang mga Filipino imports sa ibang bansa na sina Kai Sotto, Dwight Ramos at Carl Tamayo.

Makakalaban ng Gilas sa OQT sa Hulyo 2 hanggang 7 ang host na Latvia at Georgia sa Group A habang nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Nakataya sa torneo ang isa sa huling apat na tiket papasok sa Paris Olympics sa susunod na buwan matapos makapasok ang unang 8 koponan--host France, gold medalist USA, World Cup champion Germany, Canada, Japan, South Sudan, Australia at Serbia.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with