^

PM Sports

Petecio, Paalam flag bearers sa Paris Games

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iwawagayway nina bo­xers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang bandila ng Pilipinas sa opening ce­remony ng 2024 Paris Olympics sa Hulyo 26.

Sina Petecio at Paalam ang naatasang maging flag bearers ng Team Philip­pines sa Paris Games  dahil sa matagumpay na kam­panya sa nakalipas sa Tokyo Olympics na gi­nanap sa Japan.

Parehong nakasungkit sina Petecio at Paalam ng pilak na medalya para tulungan ang pambansang delegasyon sa kampanya nito sa Tokyo Games.

Nakahirit ng tiket pa­balik sa Olympic Games sina Petecio at Paalam ma­tapos ang qualifying tour­naments na ginanap para sa boxing.

Unang nakapasok si Pe­tecio sa women’s 57kg division ng 1st World Qua­lification Tournament na ginanap noong Marso sa Busto Arsizio, Italy.

Bigo si Paalam na ma­kapasok sa 1st Olympic qua­lifiers matapos magtamo ng injury sa kanyang balikat.

Subalit hindi ito sumuko nang rumesbak ito sa 2nd World Qualification Tournament na ginanap sa Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan.

Hahataw si Paalam sa men’s 57kg class.

Makakasama nina Petecio at Paalam sa boxing competitions si Tokyo Olympics bronze meda­list Eumir Marcial at sina Aira Villegas at Hergie Bac­yadan.

Aariba rin sa Paris Olympics sina rower Joa­nie Delgaco, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Fin­negan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar,  pole vaulter EJ Obiena, fencer Sa­mantha Catantan at sina weightlifters Vanes­sa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza.

 

PARIS GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with