^

PM Sports

La Salle-up title rematch?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tumapos sa 1-2-3 ang University of the Philippines, La Salle at Far Eastern U sa katatapos na Filoil EcoOil 17th ECJ Preseason Cup.

At nababasa ko sa aking Crystal Ball na ang tatlong koponan na ito, kasama ang Ateneo at National U, ang mainit na magkakarera para sa Final Four sa parating na UAAP season.

At dahil may mga bagong recruits kapalit sa mga nalagas na piyesa, nakikita ko rin na ang Fighting Maroons at Green Archers pa rin ang pinakamatibay na championship contenders.

La Salle-UP title rematch? Puwede!

Bokya ang Blue Eagles sa Preseason Cup, pero siguradong kakaibang lipad at paninila ang kanilang gagawin sa UAAP season proper.

Meanwhile, dominante ang UP sa elims at dikit sa likuran nila ang La Salle bago sila naglaban sa finale.

Nagawang mag-title repeat nina JD Cagulangan at ng kanyang UP teammates matapos makaahon sa 20-point halftime hole at madukot ang kagila-gilalas na 69-66 panalo.

Yun nga lamang, kasama sa laban ang sukatan lang ng lakas.

Siguro ang sabi ni La Salle star Kevin Quiambao: “Magkita tayo sa UAAP.”

Maaaring sagot ni Cagulangan: “See you!”

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with