Idederetso na ng Boston?
Yes, madami nang nag-iisip na wala nang kawala sa Boston Celtics ang NBA title pagkatapos nilang dominahin ang Dallas Mavericks sa Game 1, 107-89.
Kung titingnan ang mga betting odds at predictions, pabor lahat sa Boston lalo pa’t bumalik na si Kristaps Porzingis mula sa injury.
Heavy favorite na ang Boston sapul nang magbukas ang season dahil sa lalim ng kanilang bench, gayundin ang Milwaukee Bucks pero nalaglag sa unang round ng playoffs, habang sunud-sunod na sinibak ng Celtics ang Miami Heat (4-1) at Cleveland (4-1) bago nila na-sweep ang Indiana (4-0) para makarating sa finals.
Sa pagbabalik ni Porzingis na isang buwang nawala dahil sa calf injury sapul noong Game 4 ng first round series kontra sa Miami, umiskor ito ng 20 puntos.
Siyempre hataw kalabaw pa rin sina Jaylen Brown at Jayson Tatum.
Kumayod naman si Luka Duncic ng 30 points pero kinulang ng suporta sa kanyang mga kasama kung saan 12 points lang ang kinaya ni Kyrie Irving.
Dahil taga-Texas kami, siyempre sinusuportahan namin ng aking asawa ang Dallas, pero aminado kaming tagilid ang Mavericks matapos ang mga pangyayari sa Game 1.
Gayunpaman, umaasa kaming iba ang mangyayari sa Game 2. Sabi ni hubby, baka nangangapa pa lang ang Dallas sa Game 1 at hopefully, makakapag-adjust sila.
- Latest