Kiefer sasalang sa SGA sa Jones Cup
MANILA, Philippines — Muling masisilayan si Kiefer Ravena sa international scene ngunit suot nito ang ibang jersey.
Kinuha ng Strong Group Athletics si Ravena para sa parsabak nito sa 43rd William Jones Cup sa Taiwan.
Galing si Ravena sa pagtulong sa Shiga upang makuha ang titulo sa Japan B.League Division II.
“I’m really excited to be part of the Strong Group and play in the Jones Cup,” sabi ni Ravena.
Matapos nito, agad na bumalik sa Pilipinas si Ravena para naman makasama ang Strong Group sa Jones Cup na tatakbo mula Hulyo 13 hanggang 21 sa Taipei.
Nais ni Ravena na makabawi ang SGA matapos itong magkasya sa runner-up finish sa 2024 Dubai International Basketball Championship.
- Latest