^

PM Sports

Choco Mucho hihirit ng game 3

Rusell Cadayona - Pang-masa
Choco Mucho hihirit ng game 3
Iniskoran ni Sisi Rondina ng Choco Mucho ang depensa nina Pangs Panaga at Kyle Negrito ng Creamline sa Game 1 ng PVL Finals.
PVL

MANILA, Philippines — Gagawin ng Choco Mucho ang lahat para makapuwersa ng ‘sudden death’ Game Three laban sa nagdedepensang Creamline sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals.

Haharapin ng Flying Titans ang Cool Sma­shers sa krusyal na Game Two ngayong alas-6 ng gabi matapos ang upakan ng Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pinabagsak ng Creamline ang Choco Mucho sa Game One, 24-26, 25-20, 25-21, 25-16, ng kanilang best-of-three title series para lumapit sa pang-walong korona.

Ginamit ng Creamline, nasa kanilang pang-11 finals appearance, ang championship experience para ungusan ang Flying Titans lalo na sa fifth set.

“Lamang talaga iyong Creamline doon,” ani Choco Mucho coach Dante Alinsunurin sa malalim na bench ng defending champion. “Every time na may magkamali sa kanila, mayroon silang mahuhugot.”

Noong Disyembre ay winalis ng Cool Smashers ang Flying Titans, 2-0, para kubrahin ang korona ng 2023 PVL Second All-Filipino Conference.

Ang natutunan sa kabiguan sa Game One ang babaunin ng Choco Mucho para makatabla sa Creamline sa serye.

“Dapat pagdating sa huli, ituluy-tuloy namin iyong momentum namin para hindi makakuha ng momentum iyong Creamline,” sabi ni Alinsunurin.

Wala namang balak kanselahin ng Cool Sma­shers ang pagkumpleto sa 2-0 sweep sa Flying Titans para angkinin ang titulo.

Samantala, pipilitin ng Petro Gazz na mawalis ang Chery Tiggo matapos ang 22-25, 25-12, 25-18, 27-29, 15-12 panalo sa Game One sa agawan sa bronze medal.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with