Brunson bumida sa 3-1 lead ng Knicks
PHILADELPHIA — Nagpasabog si point guard Jalen Brunson ng career playoff-high 47 points para banderahan ang New York Knicks sa 97-92 paggiba sa 76ers sa Game Four at ilista ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference first-round playoff series.
Nagdagdag si OG Anunoby ng 16 points at 14 rebounds sa hangad na pagsibak ng New York sa Philadelphia sa Game Five bukas.
Kinuha ng 76ers ang 27-17 abante sa first period bago humataw ang Knicks at inagaw ang 86-81 kalamangan sa pagsisimula ng fourth quarter.
Humakot si Joel Embiid ng 27 points, 10 rebounds at 6 assists sa panig ng Philadelphia kasunod ang 23 markers ni Tyrese Maxey.
Sa Phoenix, bumanat si Anthony Edwards ng 40 points sa 122-116 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Suns para sa 4-0 sweep sa kanilang Western Conference first-round playoff series.
Ito ang unang playoff series win ng Minnesota franchise sa loob ng 20 taon.
Lalabanan ng Timberwolves sa second round ang mananalo sa first-round duel ng nagdedepensang Denver Nuggets at Los Angeles Lakers.
Sa Indianapolis, nagposte si Myle Turner ng 29 points sa 126-113 panalo ng Indiana Pacers sa Milwaukee Bucks at ibulsa ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference first-round playoff series.
Sa Dallas, pumukol sina Paul George at James Harden ng tig-33 points sa 116-111 pagdaig ng Los Angeles Clippers sa Mavericks sa Game Four at itabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference first-round playoff war.
- Latest