^

PM Sports

Thunder puro na sa sweep sa Pelicans

Pang-masa
Thunder puro na sa sweep sa Pelicans
Nailusot ni Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang layup laban sa mga Pelicans sa Game 3.
STAR/File

NEW ORLEANS — Humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 24 points para muling banderahan ang Thunder sa 106-85 paggupo sa New Orleans Pelicans sa Game Three at iposte ang 3-0 lead sa kanilang Western Confe­rence first-round playoff series.

Nag-ambag sina Jalen Williams at Josh Giddey ng tig-21 points para sa pag­lapit ng Oklahoma City sa pag-sweep sa New Orleans.

Wala pang koponan sa NBA history na nakaba­ngon mula sa isang 0-3 series deficit.

Kumonekta ang Thunder ng 17 three-point shots at naglista ng 24-point lead sa fourth quarter matapos kunin ang 60-46 bentahe sa halftime.

Umiskor si Brandon Ingram ng 19 points kasunod ang 16 markers ni CJ McCollum para sa Pelicans.

Sa Los Angeles, kumamada si LeBron James ng 30 points at humakot si Anthony Davis ng 25 points at 23 rebounds sa 119-108 panalo ng Lakers sa nagdedepensang Denver Nuggets sa Game Four ng kanilang first-round series.

Naiwasan ng Los A­ngeles na mawalis ng Denver sa kanilang serye.

Sa Miami, umiskor sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng tig-22 points sa 104-84 panalo ng Boston Celtics sa Heat sa Game Three at kunin ang 2-1 lead sa kanilang Eastern Confe­rence first-round playoff series.

Sa Orlando, kumamada si Franz Wagner ng 34 points at 13 rebounds sa 112-89 pagdaig ng Magic sa Cleveland Cavaliers sa Game Four para itabla sa 2-2 ang kanilang duwelo.

NEW ORLEANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with