Lady Eagles dinagit ang Lady Falcons
MANILA, Philippines — Ganado pa rin maglaro si Lyann De Guzman kahit wala na silang pag-asa kaya naman binuhat nito ang Ateneo sa 25-13, 25-17, 25-2 panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.
Kinamada ni De Guzman ang 14 points lahat galing sa spikes upang ilista ang 5-9 karta para sa Lady Eagles na maganda ng bahagya ang pagtatapos ng kanilang huling laro ngayong season.
Naka-tambay sa pang-lima sa team standings ang Katipunan-based squad.
Lumanding sa pang-anim ang Lady Falcons na nalasap ang pang 11 talo sa 14 na laro sa torneong may 14-game elimination round.
Madaling nadagit ng Lady Eagles ang panalo, sa unang set pa lang ay dinomina na nila ang Lady Falcons matapos magtulungan sa opensa sina De Guzman at Sophia Beatriz Buena na kumana din ng walong puntos.
Samantala, nasikwat ng National University ang twice-to-beat incentives matapos lapain ang Far Eastern Univeristy, 25-21, 25-19, 25-22 sa ikalawang laro.
Tinapos ng Lady Bulldogs ang elimination round na may 12-2 karta para masolo ang tuktok ng team standings at masiguro ang insentibo.
- Latest