Anyare na?
Follow-up lang ito ng column ko noong nakaraang linggo. Medyo nagulat nga kasi ako sa pitong Ninoy Aquino Stadium games ng PBA.
At tiningnan ko ang mga pictures sa internet na hindi puno ang venue pero inaasahang mapupuno ito kahapon dahil may laro ang Ginebra.
Pero hindi lang ako makapaniwala na ganito na ang sitwasyon ng PBA.
Dalawang taon pa lang akong nag-retire bilang sports editor, anim na buwan dito sa Tate at hindi ako maka-move on sa sitwasyong ito ng PBA.
Gaya nga ng nabanggit ko nu’ng nakaraan, naunahan daw ng UAAP at PVL sa malalaking venues ang PBA.
Pero kasi sa hirap din talaga ng buhay, talagang marami na ang hindi maka-afford at siyempre ang iba, nagtitipid kaya nanonood na lang sa TV or live stream.
Pero kasi dito sa Tate, kahit anong mahal ng ticket, punuan lagi ang mga venues ng NBA, lalo na ang mga NFL games (American football) at maging mga baseball games. Talagang sinusuportahan ng mga fans ang kanilang teams.
Alam nating lahat na ang Ginebra ang may solidong fan following. Pero ang ibang teams…
Pero naniniwala akong malalampasan ito ng PBA.
- Latest