^

PM Sports

Chargers pinalubog ang Solar Spikers

Russell Cadayona - Pang-masa
Chargers pinalubog ang Solar Spikers
Naipuwersa ni Fifi Sharma ng Akari ang bola laban sa depensa ni Jannine Navarro ng Capital1.
PVL

MANILA, Philippines — Hinataw ng Akari ang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang talsik nang Capital1 Solar E­nergy, 25-17, 25-14, 25-20, sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumanat si Dindin Santiago-Manabat ng 25 points mula sa 20 attacks, tatlong blocks at dalawang service aces habang may 14 excellent sets si Jaja Maraguinot para sa 4-5 baraha ng Chargers.

Nagdagdag si Grethcel Soltones ng siyam na puntos at may tig-walo at pitong marka sina Faith Nisperos, Ezra Madrigal at Fifi Sharma, ayon sa pagkakasunod.

Lagapak ang Solar Spikers sa 1-8 marka kung saan ang kanilang tanging tinalo ay ang SGA, 25-18, 25-20, 19-25, 25-20, noong Marso 5.

Matapos isuko ang first set ay kinuha ng Capital1 ang 9-7 bentahe sa second set mula sa atake ni Jorelle Singh bago pumalo ang Akari ng 10-3 atake para agawin ang 17-12 lead.

Tinapos ni Nisperos ang nasabing yugto para sa kanilang 2-0 abante.

Muli ring kinuha ng Solar Spikers ang 14-13 abante sa third frame matapos ang hataw ni Janeca Lana kasunod ang pagbibida ni Soltones para itaas ang Chargers sa 24-19.

Sinelyuhan ni Rochelle Baliton ang panalo ng Akari mula sa kanyang palo sa gitna.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with